Thursday, November 26, 2009

Hudyat ng Paniningil!

Mahal kita Pilipinas ko!

HUMAN RIGHTS WEEK 2009: Disyembre 1 Prop Action in Mendiola

Mula 2001, mahigit sa isang libo na ang naging biktima na extra-judicial killings, mahigit dalawang daan ang biktima ng enforced disappearance, mahigit dalawang daan ang nakakulong, daan daan na ang iligal na inaresto, tinuryur at ikinulong, ganoon din ang mga kinasuhan ng mga gawa-gawang kaso, daan-daang libo ang pinalikas at naiwanan ang kabuhayan dahil sa malakihan at mabagsik na operasyong military sa kanayunan. Dagdag pa dyan ang nagpapatuloy na surbeylans at pananakot sa mga aktibisita sa kalunsuran na lumablaban sa bulok na sistema ng lipunan at sa pasistang rehimeng Arroyo.

Matatandaan na umabot sa mahigit 200 ang bilang ng mga biktima ng pamamaslang noong 2006 at bagama’t bumaba na ito mula ng umigting ang pakikibaka ng mga mamamayan upang ilantad at tuligsain ang patakaran ng estado para dito, ay may isang pa ding pinapatay kada linggo sa ilalim ng teroristang rehimeng ito. Ngunit hindi lamang ang mga pagpaslang at pagdukot ang ginagawang paglabag sa karapatang pantao ng rehiment US-Arroyo kundi ang iba pa tulad ng pagdami ng mga bakwit o napalilikas na mamamayan dahil sa pambobomba, pananakot, food blockade, pagrekrut na sumali sa CAFGU, barangay defense system, at iba pang para-military units.

Ang mga paglabag sa karapatang pantao mula nang nakaupo si Gloria Macapagal-Arroyo hangggang sa kasalukuyan ay isa sa mga batayan kung bakit sinasabi ng mamamayang Pilipino na ang rehimeng Arroyo ay dapat USIGIN, PANAGUTIN, HUWAG PATAKASIN!

Ang Oplan Bantay Laya ay ang pinakamalupit at pinakamabagsik na programang kontra-insurhensya na ipinapatupad ng gobyerno pagkatapos ng pasistang rehimen Marcos. Pinakamalupit at pinakamabagsik ito sapagkat hindi lamang target nito ang mga armadong rebolusyonaryo na naghahangad ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng armadaong pakikibaka kundi kasama ang mga lihetimo at legal na progresibong mga organisasyon at party-lists.

Sa DISYEMBRE 1, 2009, IKA-10.30 NG UMAGA, isang Nationally Coordinated activity sa pangunguna ng HUSTISYA, KARAPATAN, EMJP, SELDA, DESAPARECIDOS at mga kasamahan mula sa TIMOG KATAGALUGAN ang isasagawa sa MENDIOLA BRIDGE. Tatawagin itong HUDYAT NG PANININGIL SA MENDIOLA BRIDGE. Ito ay magsisilbing Opening Salvo para sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Inaasahan na sasabay sa activity na ito ang mga chapters ng HUSTISYA mula sa Baguio, Legaspi, Cebu at Davao.

Sa araw na ito ay ipapahayag ng mga biktima sa paglabag ng karapatang pantao, lalo na sa panahon ng Rehimeng Arroyo ang galit, pagkamuhi at protesta sa pambansang programa sa kontra-insurhensy na tinatawag na Oplan Bantay Laya ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa Mendiola Bridge maglunsad ng isang AKSYONG PANININGIL SA MGA KRIMEN NI GLORIA AT MGA UTUSAN NITO. Ang mga lalahok sa protestang ito magsasagawa ng PAGBABATO NG PINTURANG PULA SA LARAWAN NI GLORIA, GEN, PALPARAN, NORGBERTO GONZALES, RET. GEN. ESPERON AT RAUL GONZALES (at para sa mga region o probinsya, maaring idagdag ang mga malupit na opisyal ng militar/gobyerno sa lugar) na nakaimprinta sa tarpaulin bilang pangunahing nagpapatupad ng OPLAN BANTAY LAYA. Habang binabato ang kanilang larawan, patugtugin ang mga “gong” bilang babala sa publiko sa krimen na kanilang ginawa. Ang PAGBATO ay simbolismo ng pagpaparusa sa isang kriminal. Ang kulay pula na pintura ay simbolo ng galit at dugo na inutang ng mga nasasakdal. Ipapadala sa rehiyon ang soft copy ng tarp na babatuhin ng pintura para parepareho sa lahat ng lugar na kakasa. Discretion na ng rehiyon kung ano ang ipambabato nila.

Subukang magtatagal sa loob ng 30 minuto ang nagprotesta.

Mamamahagi ng pulyeto para sa pagpapaliwanag sa mga pagkilos kaugnay ng Human Rights Week.

No comments:

Post a Comment