Thursday, November 26, 2009

Si Noynoy ba?! Huwag na man sana!

Mahal kita Pilipinas ko!

Kilala na natin siya. Pero hwag nating kalimutan na siya ay miyembro ng angkan na nagmamay-ari sa hacienda Luisita. Libo-libong ka tao ang kanilang pinagsamantalahan. Mga ganid sila. higit sa lahat, hwag nating kalilimutan na sina Padre William Tadena at Obispo Ramento ay namatay at pinatay dahil sila ay nakikibaka kasama ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Huwag na man nating saktan pa ang mga magsasaka! Huwag na man nating insultohin at ipagwalang-halaga ang pakikibaka nina Padre Tadena at Obispo Ramento. Si Noynoy ba? Huwag na man sana!

No comments:

Post a Comment